Twenty seven years, whew! antagal ko na palang nabubuhay sa earth, at sa 'Pinas pa. That only means one thing - I am a superbeing!
Having spent my entire life in this country, I have survived all kinds of disasters. Mula sa hagupit ng kalikasan - gaya ng bagyong Milenyo, baha sa Malabon, 1990s killer erathquake, pag-alburuto ng Pinatubo at ang magkapatid na si El Nino at La Nina - hanggang sa mga man-made disasters gaya ng Marcos' dictatorship, Honasan's kudeta, mga pagdukot at pagbomba ng Abu Sayaff, ang regimes ni Erap at GMA at ang maholdap sa Divisoria. Naranasan ko rin ang iba't ibang kawalan at kakulangan - brown outs, gripong hangin ang ibinubuga at hindi tubig, mga pader at postent mistulang public urinals, gobeyernong semi-functinal. Kasama rin sa daily routines ko ang mga katatakutan at adventures - mga malalaking potholes na maari kang lamunin at iluwa sa kabilang bahagi ng daigdig, mga banta sa buhay gaya ng "Huwag tatawid. Nakamamatay!", mga footbridge na kalahati lang ng paa mo ang kasya sa bawat hakbang ng stairs, ang makipagpatintero sa mga sasakyan na akala ng mga driver nito ay Chinese name and "PED XING" (pedestrian crossing), ang pagsinghot sa usok ng mga bus sa EDSA with matching scent ng mga nakabuyangyang na kanal.
This is my life. Sobrang sanay na ko sa stress, I can't live without it. Stress at hindi Stresstab ang aking daily supplement. Stress at hindi Centrum ang kumukumpleto sa vitamins at minerals ng katawan ko. Stress makes me COMPLETE.
I am a Pinoy. I am more than just a survivor. I am a SUPERBEING!
2:19am (advanced daw ng 23mins ang cp ko)
Election Day 2007
No comments:
Post a Comment