Minsan ako ay napatingin sa salamin. Pilit kong pinagmasdan ang aking mukha, braso, binti at dibdib sa harap ng salamin. Totoo yata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. Napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 25 years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. Pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy. Wag ka nang umangal, late bloomer talaga ako. Bente singko na ako tinubuan ng mga wanted at unwanted hairs. Nung bente pa lang ako, sing kinis pa ng murang labanos ang aking mga hita at binti.
As I was saying, lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa ilong. Pinakakinaiinisan ko yung buhok sa ilong, bukod kasi sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay abo at puti pa kung minsan - stand out galore.
Lately, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa pisngi. Malamang hindi ako galing sa unggoy, hmmm.. baka sa tigre o kaya leon. Pero ayokong maging pusa, may kilala kase akong mamamatay pusa.
No comments:
Post a Comment