Umpisa pa lang ng taon, pinaghahandaan ko na ang summer. Nagpursige talaga akong magpaganda ng muscle tone. Ang pangarap ko kase ay magkaroon ng six-pack abs bago sumapit ang tag-araw. Ngunit mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko nga namamalayan, matatapos na ang summer, malapit na ang Mayo, tag-ulan na naman. Kaninang umaga, tinitingnan ko yung tiyan ko – nasa three packs pa lang makalipas ang apat na buwan – dalawang muscle sa itaas at isang mabilog na tyan. Kapos pa ng three packs.
Sa loob ng apat na buwan, pakiramdam ko ay isa akong super athlete. Madalas kong nilalakad ang kalsada mula opisina hanggang condo kahit sa gitna ng umaapoy na araw. Araw-araw akong panik-panaog sa hagdan habang ina-update ko ang scoreboard sa opisina. Minsan ko na ring tinangkang akyatin ang ika-22 palapag ng gusaling aming tinitirahan sa pammagitan ng hagdan. Hindi lang yun, tuwing Miyerkules, ilang foot bridge na kulay pink periwinkle ang aking binubuno. Isa sa harap ng EDSA Central Mall at isa sa harap ng Baclaran Church.
At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, umoorder ako ng dalawang kanin every meal.
No comments:
Post a Comment