Noong Martes, napagawi ako sa Jollibee. Para sa mga banyagang walang muwang kung sino si Jollibee - sya yung matabang bubuyog na nagpataob kay Ronald McDonalds on this side of the world. Sana rin ay marunong ang mga banyagang ito na umunawa ng Tagalog upang magkasilbi ang aking effort na magpaliwanag.
Nakangiti kong pinagmasdan ang menu ng naturang kainan at napagtanto kong karamihan ng pagkain dun ay puro masasaya at maliligaya gaya na lang ng Chicken Joy (Manok Ligaya), Jolly Crispy Fries (Masayang Malutong na Pritong Patatas), Jolly Krunch Twirl (Masayang Malutong na Paikot-ikot) at Jolly Hotdog (Masayang Hotdog). Sa laht ng mga ito, tila walang kalaban ang Jolly Hotdog sa kakumpetensya ng Jollibee na McDonalds. Sabagay, Hindi naman magandang pakinggan ang McDonald's Hotdog. Wala ring appeal ang suggestion ni Mommy Joy na McDog. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba walang Hotdog sa McDo? Ito ang isang bagay na bumabagabag sa akin sa loob ng matagal na panahon (tatlong araw to be exact).
Noong Miyerkules, napagawi naman ako sa Tapa King na hindi lang naman tapa ang tinda kundi pati internet card at food supplements. Napansin ko rin na may tinda silang hotdog bagamat hindi kagaya ng sa Jollibee na naiipit sa tinapay, may kasama itong fried rice at fried egg. Ngunit ang pumukaw ng aking atensyon ay ang pangalan nito sa menu. Guess what? Dyaaaraaaannnn.... Hapi Hotdog!
Naisip ko lang, sadya bang masasaya ang hotdog? Sa takdang panahon, marahil ay mabibigyan ito ng liwanag.
1 comment:
funny!
Dapat may tagalog ang hotdog (mainit na aso or asong mainit).
Post a Comment