MARLON QUINTOS

stimulate your mind...
come and enter my world...

MARLON QUINTOS

21.8.11

Remembering Puerto Galera

I had been to Puerto Galera three times in my life. Puerto Galera is one of the most visited weekend getaway for the big city dwellers. From Manila, it can be reached within three hours by land (1.5-2 hours drive to the Port of Batangas) and sea (45-minute ferry ride).

The first ferry stop in Puerto Galera is the Muelle Pier where the Puerto Galera Yacht Club is based.

One of the activities in Puerto Galera is riding the Banana boat. Well, they are named after the fruit where they are shaped from.
The Banana Boat is attached to a speedboat by a rope. It was my first time to ride this inflated rubber banana here at Puerto Galera.
We were asked if we want to have a regular ride or a ride with a twist. We chose the one with the twist - there was really a twist.

This is White Beach, this is where most of the tourists flock especially during summer. The blue sea looks great in the morning!

Seeing a rainbow against the serene blue sea and sky was breathtaking!
I was able to catch one of the most beautiful sunsets I had ever seen here at Puerto Galera.
This was taken a minute before the sun finally disappeared of my sight.


Definitely, I'll be going back to Puerto Galera!

17.7.11

Signs that Made My Day















29.5.11

Facebook

Facebook: "It's not we eat but what we digest that makes us strong, it's not what we earn but what we save that makes us rich, it's not what we read but what we retain that makes us learned, it's not what we profess but what we practice that gives us integrity. - Read somewhere."

26.9.10

An Inspiring Text Message

Minsan, isang mainit na tanghali, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang kaibigan. Sabi sa text, "8 Tips Para Maiba Naman ang Araw Mo". Kalakip ang labis na kasabikang basahin ang text, hindi magkandatuto ang aking mga daliri sa pagpindot ng downward scroll ng aking free cellphone mula sa Globe (to my Globe family, thank you pow!). Going back, tunay akong naaliw sa aking nabasa. Para akong matandang artista na bagong facelift dahil hindi mabakbak ang mga ngiting namumutawi sa aking mga labi. Heto na

1. Sampalin ang unang taong makakasalubong at humingi ng sorry.

2. Uminom ng pampatulog ngunit labanan ito. Mag exercise.

3. Manood ng TV ng nakapikit.

4. Himatayin kunwari sa daan. Tiyaking may tao.

5. Magpakulo ng tubig at paypayan ito para lumamig.

6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos ay unahan mong umiyak.

7. Makipagtitigan sa isda. Huwag tumigil hangga't hindi ito kumukurap.

8. Ibuhos ang 3in1 na kape at saka paghiwahiwalayin ang kape, creamer at asukal.



As usual, I was inspired by these suggestions kaya nakaisip ako ng sarili kong version. Hindi man ako masyadong nasiyahan sa gawa ko, gusto ko pa rin syang ibahagi sa inyong lahat.

1. Awayin ang sarili habang nakaharap sa salamin. Mag-sorry pagkatapos.

2. Pagkatapos mong paghiwahiwalayin ang kape, creamer at asukal ng 3in1 coffee mo, ilagay sa isang tasa, lagyan ng mainit na tubig at saka haluin.

3. Galitin ang aso ng kapitbahay hanggang tumahol ito ng walang humpay. Awayin ang kapitbahay at sabihing masyadong maingay ang aso nila.

4. Bigyan ng pangalan ang bawat bahagi ng katawan mo. Pagkatapos, ipakilala ang mga ito sa isa't isa. Gawin ito sa pampublikong lugar gaya ng Megamall.

5. Magsakitsakitan at magpa-confine sa hospital. Gamitin ang Intelicare card. Libre na ang pagkain, naka aircon ka pa.

6. Imbitahin ang lahat ng kaibigan at kakilala sa isang house party mamayang gabi. Pagkatapos, mag-out of town bago magsimula ang party at patayin ang cellphone.

7. Kumain ng ampalaya at magreklamo na mapait ito.

8. Umutot ng tahimik sa isang pampublikong lugar at tingnan ng masama ang katabi.

Saamat sa walang sawang pagtangkilik!

Minsan Isang Summer

Umpisa pa lang ng taon, pinaghahandaan ko na ang summer. Nagpursige talaga akong magpaganda ng muscle tone. Ang pangarap ko kase ay magkaroon ng six-pack abs bago sumapit ang tag-araw. Ngunit mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko nga namamalayan, matatapos na ang summer, malapit na ang Mayo, tag-ulan na naman. Kaninang umaga, tinitingnan ko yung tiyan ko – nasa three packs pa lang makalipas ang apat na buwan – dalawang muscle sa itaas at isang mabilog na tyan. Kapos pa ng three packs.


Sa loob ng apat na buwan, pakiramdam ko ay isa akong super athlete. Madalas kong nilalakad ang kalsada mula opisina hanggang condo kahit sa gitna ng umaapoy na araw. Araw-araw akong panik-panaog sa hagdan habang ina-update ko ang scoreboard sa opisina. Minsan ko na ring tinangkang akyatin ang ika-22 palapag ng gusaling aming tinitirahan sa pammagitan ng hagdan. Hindi lang yun, tuwing Miyerkules, ilang foot bridge na kulay pink periwinkle ang aking binubuno. Isa sa harap ng EDSA Central Mall at isa sa harap ng Baclaran Church.

At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, umoorder ako ng dalawang kanin every meal.

Reversed Evolution...

Minsan ako ay napatingin sa salamin. Pilit kong pinagmasdan ang aking mukha, braso, binti at dibdib sa harap ng salamin. Totoo yata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. Napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 25 years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. Pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy. Wag ka nang umangal, late bloomer talaga ako. Bente singko na ako tinubuan ng mga wanted at unwanted hairs. Nung bente pa lang ako, sing kinis pa ng murang labanos ang aking mga hita at binti.

As I was saying, lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa ilong. Pinakakinaiinisan ko yung buhok sa ilong, bukod kasi sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay abo at puti pa kung minsan - stand out galore.


Lately, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa pisngi. Malamang hindi ako galing sa unggoy, hmmm.. baka sa tigre o kaya leon. Pero ayokong maging pusa, may kilala kase akong mamamatay pusa.

19.9.10

Usapang Hotdog

Noong Martes, napagawi ako sa Jollibee. Para sa mga banyagang walang muwang kung sino si Jollibee - sya yung matabang bubuyog na nagpataob kay Ronald McDonalds on this side of the world. Sana rin ay marunong ang mga banyagang ito na umunawa ng Tagalog upang magkasilbi ang aking effort na magpaliwanag.

Nakangiti kong pinagmasdan ang menu ng naturang kainan at napagtanto kong karamihan ng pagkain dun ay puro masasaya at maliligaya gaya na lang ng Chicken Joy (Manok Ligaya), Jolly Crispy Fries (Masayang Malutong na Pritong Patatas), Jolly Krunch Twirl (Masayang Malutong na Paikot-ikot) at Jolly Hotdog (Masayang Hotdog). Sa laht ng mga ito, tila walang kalaban ang Jolly Hotdog sa kakumpetensya ng Jollibee na McDonalds. Sabagay, Hindi naman magandang pakinggan ang McDonald's Hotdog. Wala ring appeal ang suggestion ni Mommy Joy na McDog. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba walang Hotdog sa McDo? Ito ang isang bagay na bumabagabag sa akin sa loob ng matagal na panahon (tatlong araw to be exact).



Noong Miyerkules, napagawi naman ako sa Tapa King na hindi lang naman tapa ang tinda kundi pati internet card at food supplements. Napansin ko rin na may tinda silang hotdog bagamat hindi kagaya ng sa Jollibee na naiipit sa tinapay, may kasama itong fried rice at fried egg. Ngunit ang pumukaw ng aking atensyon ay ang pangalan nito sa menu. Guess what? Dyaaaraaaannnn.... Hapi Hotdog!

Naisip ko lang, sadya bang masasaya ang hotdog? Sa takdang panahon, marahil ay mabibigyan ito ng liwanag.

Sanib... Kulam...

"It's so nakakaeser na. It's always traffic na lang, I swear!. Why ba do they keep on doing rally? Sa Makati pa. Like we need na nga dollars because our economy is bagsak and parang they scare away pa the investors. Tapos si GMA, di man lang sumagot sa mga accusations sa kanya. It's really magulo na here!"

Wari ko ba'y sinasaniban ng kaluluwa ng isang coƱong kolehiyala ang babaeng katapat ko sa upuan sa gawing likuran ng FX na patungong Mall of Asia. Kung tutuusin, kapag minasdan mo siya mula ulo hanggang paa, di mo aakalaing sa bibig niya lumalabas ang mga katagang iyon. Sa aking tantiya ay nasa late 30's na siya.

Muling umusad and FX. Muling nagsalita ang babae. Ganun pa rin ang litanya. Pakiramdam ko ay naglipana ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na Assumptionista sa loob ng FX. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Mainit ang araw. Tumatagos sa loob ng FX. Maging ang aircon ng sasakyan ay di kayang pawiin ang init ng panahon.

Bigo ang aircon sa pagsugpo ng maalinsangang tanghali. Bigo rin ang babaeng kumbinsihin ang aking isip na isa siya sa mga mamamayang nagmamahal sa ating bayan. Hindi sapat ang aircon. Hindi sapat ang salita. Hindi rin sapat ang lamig na dulot ng mga ligaw na kaluluwa ng mga kolehiyala.

Abot tanaw ko na ang Mall of Asia. Tila ba ito ay isang malaking barko na nakadaong sa bahaging iyon ng Look ng Maynila. Doon, pansamantala kong nalimot ang init sa labas, at ang babaeng hindi maawat sa pagbato ng mga nakayayamot na litanya. Napukaw ng mga makukulay na ilaw ang aking ulirat, habang tila mga batang paslit ang aking mga daliri habang patalon-talon ang mga ito sa mga hanger ng nakasabit na mga t-shirt. Lumipas ang ilang oras, kailangan ko nang lisanin ang artipisyal na mundong aking naging pansamantalang kanlungan.

Mainit pa rin sa labas. Tila tinutusok ng karayom ang aking balat sa tama ng sinag ng araw. Kinawayan ko ang isang magarang taxi. Huminto ito sa aking tapat - Wallis Taxi. Sabi sa isang tabloid, mandarambong daw ang mga drayber ng taxing ito. Pero di ko na iyon ininda. Di ko na kaya ang init.

Gaya ng dati, traffic sa EDSA. Ang drayber naman ay libang na libang sa pakikinig sa isang programa sa AM radio. Ang paksa ng usapan ay ang pagkakadawit ng mga opisyal ng gobyerno sa ZTE deal. Ang mga tumatawag sa istasyon ay may kani-kaniyang mungkahi kung papaano mapaparusahan ang mga sangkot sa maanumalyang kasunduang ito. Tatlo sa mga tumawag ang nagmungkahi ng solusyong ni minsan ay di naisip gawin ng Senado o ng Ombudsman



"Kulamin na lang natin ang mga lintek na yan!"

Napag-isip-isip ko, "Bakit hindi?"

"How would you make kulam the First Gentleman and Chairman Abalos?"

Sa kabutihang palad, meron akong kopya ng librong "Mga Panibagong Kulam" na hiniram ko sa isang kaeskwela nuong college. Ang aklat ay tungkol sa mga praktikal na mahika. Naglalaman ito ng mga orasyong maaari mong gawin sa bahay gamit ang mga pangkaraniwang bagay na matatagpuan din sa loob ng iyong bahay tulad ng dyaryo, sabong panlaba, at cotton buds. Ngunit nakadidismayang wala sa aklat na ito ang hinahanap ko. Lahat ng kulam ay makatao. Malayo sa iniisip kong kulam gaya ng "Paano paluwain ang mata ng kinaiinisan" o di naman kaya ay "Paano palubugin sa leeg ang ulo ng isang taong makasalanan." Ang pnakamalapit na dito ay ang may titulong "Para ihatid ang nasasaloob sa taong kinayayamutan."

Kailangan ko ng isang salamin, dilaw na kandila, puting sobre at platito. Ayos sa libro, kailangan ko raw gumawa ng isang altar. Maaring payak lamang o magarbo. Ginamit ko ang ibabaw ng kahong pnaglagyan ng 29" JVC Flat-Screen TV. Tinakpan ko iyon ng pulang tela. At ayon na rin sa aklat, kailangang lagyan ng "principal" o sentro ng altar at mga bagay na kumakatawan sa hangin, lupa, apoy at tubig.

"Ilagay ang salamin sa ibabaw ng altar. Buksan ang puting sobre at ikalat ang puting asukal dito. Tapos ay pagulungin ang dilaw na kandila sa puting asukal. Sindihan ang kandila at patayuin sa platito. Ilagay ang nakasinding kandila sa harap ng salamin. Ipikit ang mga mata at payapain ang isip. Isipin ang taong nais hatiran ng mensahe. Idilat ang mga mata, isiping ang kandilang nasa iyong harapan ang taong kinayayamutan mo. Pakalmahin ang sarili. Masdan and repleksyon ng kandila sa salamin. Tapos ay sambitin ang mga katagang nais iparating sa taong iyon."

"P*&%^^$ nyo! Makunsensya kayo! Mga hayop! Walang puso!"

"Kung sa loob ng dalawampung minuto ay naging magalaw ang sindi ng kandila, ibig sabihin nito ay nakarating ang iyong mensahe sa kinauukulan at may nais din itong sabihin sa iyo. Kapag namatay ang sindi, message sending failed sabi nga ng Nokia cellphone."

Nakalipas ang dalawampung minuto, hinipan ko ang kandila. Pagod na ako sa kasinungalingan.

Late (La-te)

Matagal din akong tumira sa Late (read: latian). Kung tutuusin, di naman kalayuan ito sa Maynila. Isang sakay ng jeep mula sa Malabon tapos ay punduhan na ng mga bangkang patungo doon. Ayon sa mapa ng Obando, ang lugar daw na iyon ay tinatawag na Sapang Tukol. Nasa hanggahan nito ang mga kalapit na Barangay Calistro at San Rafael at sa di kalayuan ay ang isang islang kung tawagin ay Binuangan. Sa kabilang ibayo naman ang bayan ng Navotas.
Iba sa Late (hindi namin tinatawag na Sapang Tukol ang lugar na iyon dahil mas nakasanayan na naming tawagin iyon na Late). Bagamat tanaw mo na ang Maynila mula sa bubong ng mga bahay doon, masasabi mo pa ring malayo sa kabihasnan. Kailan lang nalagyan ng linya ng kuryente ang lugar na iyon. Dati nagkakailaw lang ang mga bahay sa pamamagitan ng Coleman, ito yung ilaw na may gasa, nilalagyan ng alkohol at saka binobomba. Ang iba naman ay sa gasera lamang nagkakailaw. Minsan, nanunuod din kami ng TV na gumagana sa tulong ng baterya ng sasakyan. Pero madalang lang yun. Magastos kase sa baterya. Ang plantsa naman ay di-uling pa.

Tumira ako doon ng mga isang taon. Siguro, limang taon pa lang ako ng panahon na yon. Ewan ko pero ng mga panahong iyon, nabuhay kami ng walang refrigerator, walang vhs, walang magagarang laruan. Libangan na namin ang maglaro sa tabing ilog, manuod ng mga nagtatalunang hipon at isda, manilo ng kokomo, mamintol ng alimango, maghintay ng mga kalabukab (ahas sa tubig) na lumabas sa kanilang mga lungga, mamansing ng tilapya, magbilang ng higad sa mga puno ng api-api at bakawan, tumawid sa magkabilang pampang ng makitid na ilog lulan ng maliit na bangkang di-sagwan o kaya ay sa isang bangkang ginawa mula sa mga styrofoam na isinilid sa lambat o sako, manguha ng talangka at mag-abang ng mga inanod na tsinelas at styrofoam sa ilog. Mula sa mga inanod na tsinelas na ito, gumagawa kami ng mga pamaringas sa lutuang di-kahoy. Minsan naman ginagawa naming mumunting bangka ang mga gomang tsinelas at styrofoam. Tapos ay paanurin muli sa ilog para umaliw naman sa ibang nag-aabang ng mga ligaw na nilikha.



Makailang ulit ko ring tinawid ang mga malalawak na palaisdaang pumapalibot sa maliit na baryong iyon. Binaybay ang mga makikitid na pilapil. Minsan na ring nalubog ako sa hanggang tuhod na putik nang biglang napatapak ako sa isang malambot na pilapil. Nanguha rin kami ng mga lawe lawe na sya naming ipinapain sa pamamansing ng isda. Ewan ko ngunit hindi ako nandidiring hawakan ang mga bulateng iyon ng mga panahong iyon. Sa baryong iyon ko rin natutunan ang gumawa ng asin - mula sa pagpapatuyo ng palaisdaan, paglalatag ng mga tisa sa mga kwadra kwadradong pinatag na lupa, pagwawalis ng mga tisa, pagpapatubig sa mga tisang ito ng tubig dagat, pagkayod ng namuong asin sa mga tisa, paglalagay sa tiklis ng mga nakuhang asin at pag-iimbak ng mga ito sa kamalig. Inaabangan ko rin ang pagdaong ng gremarine at kasko na hahakot sa mga asin upang dalhin sa pamilihan.

Bagamat ito ang aking naging kabataan, di ko itinuturing na hindi ako naging masayang bata. Sa mura kong isipan, naging kasiyahan ko na ang mga bagay na sa tingin ng iba ay walang saysay. Sino bang bata ang maaaliw sa pagbibilang ng mga higad? Sinong bata ang kasiyahan na ang maglakad sa mga makikitid na pilapil sa ilalim ng nakasusunog na araw? Marahil, tila sa isang sanggol, naliligayan na ako sa mga bagay na aking nakikita. Hindi na mahalaga ang pamdama, amoy, lasa at tunog.

Gayunpaman, isang malungkot ang makita ang paglubog ng araw sa Late. Sa mga mahilig sa sunset, marahil ay napakagandang tanawin nito. Hindi ko alam, pero sa tuwing lumulubog ang araw sa Late ay nalulungkot ako. Siguro senyales na rin ito ng pagtatapos ng araw. Nakalipas ang maghapon ng walang pagbabago. Naroon pa rin ang mga higad, ang mga naipong water lily sa pagitan ng mga bakawan.

Linisan ko ang lugar na iyon ng magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil mawawalay ako sa lugar na nagmulat sa kin sa simpleng buhay. Masaya dahil may kutitap ang mga ilaw na pangako ng Maynila.

Lumipas ang panahon, napadako ako sa iba't ibang lugar at muli akong inihatid ng mga paa ko sa Late. Ibang iba na sya. May kuryente na, ang ilang mga bahay ay may refrigarator, TV, karaoke, dvd at component ngunit wala na ang asinan. Ang mga sanga ng nauubos ng mga api api at bakawan ay wala ng mga higad, napalitan na ng mga langaw. Ang mga mumunting tsinelas na inaanod nuon ay di na ganun karami, mas marami na ang mga bag bag ng basurang galing pa sa mga ilang lugar sa Maynila. At sa di kalayuan, tanaw mo ang crane na tila isang malaking halimaw na humahakot ng mga basurang itinatambak doon. Wala na ang kaskong ginagamit sa paghakot ng asin bagkus, malalaking barge na lulan ang basura ng mga karatig bayan ang syang pabalibalik sa kahabaan ng ilog na iyon.

Muli akong inabutan ng dapithapon sa Late. At tulad ng mga nakaraang pagkakataon, nalulungkot kong minasdan ang paglubog ng araw, wari ko'y kasabay nitong inililibing ang baryong minsan ko ring naging tahanan.

13.6.08

Tatlong Tula

Bahay

Ako’y natutuwa’t
Tayo’y muling magkapiling
At ako’y handa
Mong yapusin
Ng ‘yong mga bisig.

Kung tutuusin
Kaya kang buwagin
Ng munti kong pitik
Sa ‘yong mga haligi;
Ngunit di ko gagawin
‘Pagkat nais kong madama
Ang aking pagkabilanggo
Sa seldang
Sa aki’y nagpalaya.

Ulam

Ako’y nagagalak
At ngayom tayo’y
Magkaharap
Habang ang ‘yong katawang
Sinlaki ng aking palasinsingan
Ay nakahiga sa lusang lata.

Kung tutuusin
Kaya kitang isubo
Nang minsan lang;
Ngunit nais kong
Parusahan ang aking sarili,
Nais kong namnamin
Ang alat na dulot
Ng ‘yong mapagparusang
Lasa.

Banig

Ako’y nagdiriwang
Sa ating pagniniig
Bigat ko at ng mundi
Sa ‘yong dibdib
Ay nakahilig.

Ngunit kung tutuusin
Kaya kong punitin
Ang ‘yong katawang
Pinalutong ng panahon;
Ngunit di ko hahayaan
‘Pagkat ika’y nangako
Na sa pagsapit ng dilim
Ako’y malugod
Mong ililibing.

15.4.08

Sanib... Kulam...

"It's so nakakaeser na. It's always traffic na lang, I swear!. Why ba do they keep on doing rally? Sa Makati pa. Like we need na nga dollars because our economy is bagsak and parang they scare away pa the investors. Tapos si GMA, di man lang sumagot sa mga accusations sa kanya. It's really magula na here!"

Wari ko ba's sinasaniban ng kaluluwa ng isang conyong kolehiyala ang babaeng katapat ko sa upuan sa gawing likuran ng FX na patungong Mall of Asia. Kung tutuusin, kapag minasdan mo siya mula ulo hanggang paa, di mo aakalaing sa bibig niya lumalabas ang mga katagang iyon. Sa aking tantiya ay nasa late 30's na siya.

Muling umusad and FX. Muling nagsalita ang babae. Ganun pa rin ang litanya. Pakiramdam ko ay naglipana ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na Assumptionista sa loob ng FX. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Mainit ang araw. Tumatagos sa loob ng FX. Maging ang aircon ng sasakyan ay di kayang pawiin ang init ng panahon.

Bigo ang aircon sa pagsugpo ng maalinsangang tanghali. Bigo rin ang babaeng kumbinsihin ang aking isip isa siya sa mga mamamayang nagmamahal sa ating bayan. Hindi sapat ang aircon. Hindi sapat ang salita. Hindi rin sapat ang lamig na dulot ng mga ligaw na kaluluwa ng mga kolehiyala.

Abot tanaw ko na ang Mall of Asia. Tila ba ito ay isang malaking barko na nakadaong sa bahaging iyon ng Look ng Maynila. Doon, pansamantala kong nalimot ang init sa labas, at ang babaeng hindi maawat sa pagbato ng mga nakayayamot na litanya. Napukaw ng mga makukulay na ilaw ang aking ulirat, habang tila mga batang paslit ang aking mga daliri habang patalon-talon ang mga ito sa mga hanger ng nakasabit na mga t-shirt. Lumipas ang ilang oras, kailanga ko nang lisanin ang artipisyal na mundong aking naging pansamantalang kanlungan.

Mainit pa rin sa labas. Tila tinutusok ng karayom ang aking balat sa tama ng sinag ng araw. Kinawayan ko ang isang magarang taxi. Huminto ito sa aking tapat - Wallis Taxi. Sabi sa isang tabloid, mandarambong daw ang mga drayber ng taxing ito. Pero di ko na iyon ininda. Di ko na kaya ang init.

Gaya ng dati, traffic sa EDSA. Ang drayber naman ay libang na libang sa pakikinig sa isang programa sa AM radio. Ang paksa ng usapan ay ang pagkakadawit ng mga opisyal ng gobyerno sa ZTE deal. Ang mga tumatawag sa istasyon ay may kani-kaniyang mungkahi kung papaano mapaparusahan ang mga sangkot sa maanumalyang kasunduang ito. Tatlo sa mga tumawag ang nagmungkahi ng solusyong ni mindan ay di naisip gawin ng Senado o ng Ombudsman

"Kulamin na lang natin ang mga lintek na yan!"

Napag-isip-isip ko, "Bakit hindi?"

"How would you make kulam the First Gentleman and Chairman Abalos?"

Sa kabutihang palad, meron akong kopya ng librong "Mga Panibagong Kulam" na hiniram ko sa isang kaeskwela nuong college. Ang aklat ay tungkol sa mga praktikal na mahika. Naglalaman ito ng mga orasyong maaari mong gawin sa bahay gamit ang mga pangkaraniwang bagay na matatagpuan din sa loob ng iyong bahay tulad ng dyaryo, sabong panlaba, at cotton buds. Ngunit nakadidismayang wala sa aklat na ito ang hinahanap ko. Lahat ng kulam ay makatao. Malayo sa iniisip kong kulam gaya ng "Paano buhayin ang bwaya sa loob ng tiyan ng kinaiinisan mo" o di naman kaya ay "Paano palubugin sa leeg ang ulo ng isang taong makasalanan." Ang pnakamalapit na dito ay ang may titulong "Para ihatid ang nasasaloob sa taong kinayayamutan."

Kailangan ko ng isang salamin, dilaw na kandila, puting sobre at platito. Ayos sa libro, kailangan ko raw gumawa ng isang altar. Maarang payak lamang o magarbo. Ginamit ko ang ibabaw ng kahong pnaglagyan ng 29" JVC Flat-Screen TV. Tinakpan ko iyon ng pulang tela. At ayon na rin sa aklat, kailangang lagyan ng "principal" o sentro ng altar at mga bagay na kumakatawan sa hangin, lupa, apoy at tubig.

"Ilagay ang salamin sa ibabaw ng altar. Nuksan ang puting sobre at ikalat ang puting asukal dito. Tapos ay pagulungin ang dilaw na kandila sa puting asukal. SIndihan ang kandila at patayuin sa platito. Ilagay ang nakasinding kandila sa harap ng salamin. Ipikit ang mga mata at payapain ang isip. Isipin ang taong nais hatiran ng mensahe. Idilat ang mga mata, isiping ang kandilang nasa iyong harapan ang taong kinayayamutan mo. Pakalmahin ang sarili. Masdan and repleksyon ng kandila sa salamin. Tapos ay sambitin ang mga katagang nais iparating sa taong iyon."

"P*&%^^$ nyo! Makunsensya kayo! Mga hayop! Walang puso!"

"Kung sa loob ng dalawampung minuto ay naging magalaw ang sindi ng kandila, ibig sabihin nito ay nakarating ang iyong mensahe sa kinauukulan at may nais din itong sabihin sa iyo. Kapag namatay ang sindi, message sending failed sabi nga ng Nokia cellphone."

Nakalipas ang dalawampung minuto, hinipan ko ang kandila. Pagod na ako sa kasinungalingan.

15.3.08

On Change - A Message to My Co-Sups

My fingers are itching to type this simple message, a simple reaction to the changes that happened to our team and our company's processes. The past few days, we were confronted by a lot of changes. Too much changes that almost drowned us.

But CHANGE happens.

September reminds me of this. I always remember the time of the year that goes from my birthday in the middle of September through the Holiday Season. The weather changes, the colors of the day and night transform to the familiar hues of red and green. The dark streets are transformed into ecstatic display of lights and sounds.

We TRANSITION.

From the time we are conceived, we continually transform physically without us noticing or knowing it. We transition through life. And many of these changes are things we are not even aware of.


But there are also changes that happen that we are well aware of. Like what we just had a few days back. We all see these transitions (we all know these as realignment and use of CCMS) coming on the horizon. The question is how do we react to these changes?

Do we act like UP students who march on the streets with the slightest provocation, resisting any change that they think are against their liberty and will? Or are we like most of our younger generation, embracing changes as if these are their own? Never mind the analogy, it is just a simple question of whether we resist or embrace changes. Do we move slowly to the "new" or do we hold on to what is comfortable and known to us? Both are valid options. But resisting, most of the time is futile (like in our case) simply because these changes are beyond our control.

SO WHAT DO WE DO THEN?

We sometimes resist change because we are scared of the unknown. It makes us feel uncertain about what will happen next. Oftentimes, we resist change because we do not want to miss the comfortable. We always want to stay or even go back to what we call "the good old days."

It is OK to resist the unknown. It is OK to miss the comfortable. It is OK to feel sad. It is ok to cry for a while. It is OK to be in a state of denial for a certain period of time. But we have to deal with changes. It is a natural part of our lives. We must adapt to these changes in order for us to survive. We need to survive new challenges, new faces, new attitudes, new behaviors, new processes.

Now, try to look back. It is sometimes hard to go through changes when looking back reminds us of how "good and comfortable" the way things were before. But oftentimes, we will realize that there are a lot of great things that happened to our lives because of CHANGE.

Move on. Aim high. Change for the better. Let's make our beloved "Mama" proud of us wherever we go. This is a better way of thanking her for whatever she taught us.

22.2.08

CAT-A-TONIC

As the First Gentleman awoke one morning from uneasy dream, he found himself transformed in his bed into a beast striped with a blur of orange and black. He was lying on his side, and was surprised to see Gloria standing on the bed. Her flesh peeping through the rips on her nightgown while scraps of shredded stain shook with her every scream.

“Tumahimik ka nga!” he shouted. The words all came out a cacophony of guttural growls.

“Jose Miguel tried to grab her – pulled her down, shut her up, springing vivaciously towards Gloria's ankle. Four claws sliced the air and were cushioned by Gloria's old, soft flesh. Jose Miguel, surprised at the sight of the blood pouring down the President's foot, retracted his paw. The embedded claws exposed Gloria's ankle through its side, hooked band of tough fibrous tissue that holds the bones together snapped. As cut cartilage and torn flesh fell on the blood-drenched bed, Gloria collapsed, her limp ankle giving way to the gravity of her body.

“What has happened to me?” he thought. It was no dream, save for the ripped linen and his unconscious injured wife, the presidential suite lay silent between four familiar walls. Gloria's picture still hung silently atop her desk, pasted smile and her mole above her lips all in place. Below it, last night's Newsweek, Asiaweek and Time lay where she left it. At the far corner, the grandfather clock a foreign dignitary gave on one of her trips abroad stood at its usual post, chiming eight tiems. Eight. A high pitched wail reverberated through Malacanang.

The tiger that was Jose Miguel rolled over in a rush and in the bat of an eye was standing on all four legs beside the bed. Jose Miguel stood, not moving, amazed. The strength that coursed through the tensed muscles in his legs made the fur at the edge of his balls bristle.

Jose Miguel could smell the coffee brewing at the kitchen four rooms away, and the conversation of the Presidential guards on the other side of the door came as clearly as Gloria's heavy breathing. “Hindi ba Bai, may miting si Sir kay Abalos?” asked one guard. “Eh panu yan? Iistorbohin natin habang nirurumansa si Prisidinti?” retorted another. “Minsan na nga lang rumansahin si Ma'am,” muttered a third under his breath.

Jose Miguel leapt forward, from the bed to the closed wooden door beside the clock, his tail whipping the stuffy air.

Then he set himself to turning the knob with his mouth. He was now raised upright, standing on his hind legs. Foamy strings of saliva dangled from the hairy edges of his open jaws, while the knob began, not to turn, but to give, loosening at its wooden base. A final jerk, wrenched the knob out and flung the door inwards.

The security personnel were caught off guard at the sight of a tiger emerging from their master's bedroom. Shaking, they readied their machine guns as the tiger in front of them roared. Jose Miguel lunged towads the guard in front of him, rushing as fast as the bullets that whisked between his whiskers and shot past his ears.
“Bai” screamed one of the men as Jose Miguel knocked the guuard down. The hapless soldier fell, his trigger finger tensing as the First Gentleman clawed at his face. With a thud, the head of the man who screamed “Bai!” fell on the hallway floor, severed at the neck by a line of stray bullets from his friend's semi-automatic.

By the time Jose Miguel was out of the hallway, thirty-three men were already chasing him, firing at him. Luli, in her morning jogging outfit, had gone to comfort her mother; and a smiling Mang Eli, the Malacanang gardener calling his former employer and childhood idol Erap, telling him about a tiger that ate the President.
Jose Miguel eluded the shower of bullets that followed him. He exited the Palace gates, and scurried off into the streets of Manila, ten squad cars and armoured vehicles at his trail. He leapt from hood to hood, to the disgust if the motorists trapped in the Roxas Boulevard traffic.

The gentleman all dressed in a fur of orange and black, racing almost as fast as the Van that fetched Jun Lozada from NAIA, the same Van that slammed his ribs, crushed hus skull, and painted the Macapagal Avenue red with a tiger's blood.

12.1.08

Buhay Call Cen(t)er

Limandaan walumpu't anim na libo at walumpung minuto.

Pilit kong binaliktad ang aking buhay - tulog habang tirik ang araw, kumakayod habang madilim ang mga lansangan. Minsan na lang masinagan ng araw ang namumutla kong mukha. Akmang akma raw sa pangarap ng karamihang pionoy na pumusyaw and balat gaya ng mga banyagang Kanluranin.

Kadalasan may bahid ng pagtatanong at malisya ang tingin sa akin ng aking kapitbahay na si Aling Cering sapagakat pumapasok ako sa trabaho pagkagat ng dilim. Hindi ko siya masisisi. Marahil ay di pa niya batid kung anong buhay mayroon ako - buhay na salungat sa buhay ng karamihan. Marahil ay di niya pa batid na araw araw ako ay naglalakbay patungo sa malamig na lugar upang makipagtagisan ng dila gamit ang wikang banyaga naman sa akin.

Hindi madali ang pagtahak ko sa buhay call center. Nang ibinalita ko ito sa aking mga kaibigan, isang mataginting na "no!!!" ang aking narinig. Sa aking pakiwari ay kasabay ng pagtutol na ito ang mga tambol at pompyang ng sandaang banda. Sa kanila, kasing kahulugan ng call center and isang sumpa. Mawawalan daw ako ng social life. Mahihirapan daw ang patpatin kong katawan sa mga pagbabago ng aking sistema. Hindi raw ako makakatulog ng sapat dahil mahirap matulog habang tirik ang araw. Malilipasan ng gutom dahil mas nanaisin ko pa raw ang matulog na lang kaysa kumain. Dahil dito, ako ay magkakasakit, manghihina at sa paglaon ay mawawalan din ng hanapbuhay. Masaklap na buhay - ito nag pilit nilang iginigiit. Ngunit iba ang takbo ng aking isip.

Itinuloy ko ang dikta ng aking utak. Call center ang sagot sa minimithi kong mas malaking sweldo. Hamak na mas malaki ang kikitain ko dito kaysa sa dati kong trabaho. At kung papalarin, halos doble ang kikitain ko kumpara sa dati kong sweldo king maiuuwin\ ko ang buwanang attendance bonus.

Ang mga unang araw ko sa call center ay di ganoon kadali. Sinikap kung ituwid and aking likod habang nakasandal sa upuang umiikot, kahit na nais na nitong humimlay sa malambot na higaan. Kusa mang pumipikit, pinilit kong imulat ang aking mga mata. Kulang na lang ay tukuran ko ang mga talukap nito upang hindi magsara. At pagkatapos ng trabaho, tila may sariling isp ang mga paa ko habang binabagtas nito ang lugar na aking tutulugan, at doon ay nag-uunahang lumapat sa kutson ang aking ulo, batok, likuran, hita at binti. Hindi rin magkamayaw sa pagpikit ang mga matang matagal nang naghihimagsik. Kapagdaka ay puputulin ng mainit na araw ang ginhawang dulot ng malambot na kutson. Pagsapit ng tanghali, ginigising ako ng init nitong tumatagos sa bubong at kisameng gawa sa hardiflex, tila ba kinukutya ng araw ang kapangyarihan ng aking bentilador. Ito na marahil ang umpisa ng sumpang tinutukoy nila.

Lumipas ang mga araw, mga araw na naging linggo, mga linggong naging buwan, at mga buwang naging taon. Ang bilis ng panahon. Di ko namamalayang bahagi na pala ng aking sistema ang sumpa ng mga unang araw ko sa call center - sumpang may hatid namang biyaya. Hindi lamang dahil doble ang kinikita ko kaysa sa pinsan kong ilang taon na ring accountant sa isang ng gobyerno. Higit pa doon.

Dahil sa call center, naging rest day ang tawag ko sa day off. Ang lunch naman ay pwede nang kainin sa hatinggabi o kaya sa madaling araw. Ewan ko kung positibo ito o hindi. Ang alam ko ay lumalawak aking bokabularyo. Tumatas din ang aking dila sa pagsasalita ng wikang Ingles. Kasindulas ng palos ang bigkas ko sa mga katagang "twenty", thirty" at "forty." Kung dati ay may tunog "t" sa mga salitang nabanggit, ngayon tila milagrong naglaho ito - naging "twenny" "thirry" and "forry" na lamang. At kung dati ay "Hello" lang alam kong pambati tuwing sumasagot ng telepono, ngayon ay marami na akong alternatibo gaya ng "Thank you for calling, my name is..." at "Hi, my name is Genie, your wish is my command."

Sabi ng iba, nakakabobo daw ang pagiging call center agent. Taliwas ito sa aking naging karanasan. Ang hilig ko sa math ay naipamalas ko sa pag-aanalisa at pagkwenta ng mga bills ng customer. Gumagana rin and hilig ko sa paggawa ng kwento habang pilit kong ipanagtatagni-tagni ang mga pangyayari ayon na rin sa kwento ng customer at sa mga masasalimuot na notes sa kanilang account. Pinangarap ko rin dating maging psychologist at sa call center ko ito naisakatuparan - habang pilit na pinapakalma ang mga nagwawalang customer.

Ngunit hindi lamang paglinang sa mga kakayahang ito ang dulot ng call center sa akin. Higit pa sa mga ito ay ang mga taong araw araw kong nakakasalamuha. Ilang pangalan na ba ang naglabas masok sa aking isip? Ilang mukha na ba ang nakasanayan ng titigan ng aking mga mata? Ilan amoy na ba na sa tuwing natatanto ng aking ilong ay may pangalan ng kaakibat? Dito ko natagpuan ang lahat ng klase ng tao - mga taong kamumuhian at hahangaan, kagigiliwan at kaiinisan, malinis at marumi, malaki at maliit, maputi at maitim, malaki ang mata at singkit, sarat ang ilong at matangos, mabango at mabaho - iba't ibang anyo, iba't ibang kulay, iba't ibang paraan ng pakikisalamuha. Karamihan sa kanila'y nananatiling mga estranghero. Ang iba naman ay naging kakilala. At ang ilan ay naging kaibigan. Ngunit silang lahat ay bahagi na ng aking pagkatao. Ng aking buhay.

Limandaan walumpu't anim na libo at walumpung minuto. At patuloy pang nadaragdagan.

29.6.07

Late (Lati)

Matagal din akong tumira sa Late (read: latian). Kung tutuusin, di naman kalayuan ito sa Maynila. Isang sakay ng jeep mula sa Malabon tapos ay punduhan na ng mga bangkang patungo doon. Ayon sa mapa ng Obando, ang lugar daw na iyon ay tinatawag na Sapang Tukol. Nasa hanggahan nito ang mga kalapit na Barangay Calistro at San Rafael at sa di kalayuan ay ang isang islang kung tawagin ay Binuangan. Sa kabilang ibayo naman ang bayan ng Navotas.

Iba sa Late (hindi namin tinatawag na Sapang Tukol ang lugar na iyon dahil mas nakasanayan na naming tawagin iyon na Late). Bagamat tanaw mo na ang Maynila mula sa bubong ng mga bahay doon, masasabi mo pa ring malayo sa kabihasnan. Kailan lang nalagyan ng linya ng kuryente ang lugar na iyon. Dati nagkakailaw lang ang mga bahay sa pamamagitan ng Coleman, ito yung ilaw na may gasa, nilalagyan ng alkohol at saka binobomba. Ang iba naman ay sa gasera lamang nagkakailaw. Minsan, nanunuod din kami ng TV na gumagana sa tulong ng baterya ng sasakyan. Pero madalang lang yun. Magastos kase sa baterya. Ang plantsa naman ay di-uling pa.

Tumira ako doon ng mga isang taon. Siguro, limang taon pa lang ako ng panahon na yon. Ewan ko pero ng mga panahong iyon, nabuhay kami ng walang refrigerator, walang vhs, walang magagarang laruan. Libangan na namin ang maglaro sa tabing ilog, manuod ng mga nagtatalunang hipon at isda, manilo ng kokomo, mamintol ng alimango, maghintay ng mga kalabukab (ahas sa tubig) na lumabas sa kanilang mga lungga, mamansing ng tilapya, magbilang ng higad sa mga puno ng api-api at bakawan, tumawid sa magkabilang pampang ng makitid na ilog lulan ng maliit na bangkang di-sagwan o kaya ay sa isang bangkang ginawa mula sa mga styrofoam na isinilid sa lambat o sako, manguha ng talangka at mag-abang ng mga inanod na tsinelas at styrofoam sa ilog. Mula sa mga inanod na tsinelas na ito, gumagawa kami ng mga pamaringas sa lutuang di-kahoy. Minsan naman ginagawa naming mumunting bangka ang mga gomang tsinelas at styrofoam. Tapos ay paanurin muli sa ilog para umaliw naman sa ibang nag-aabang ng mga ligaw na nilikha.

Makailang ulit ko ring tinawid ang mga malalawak na palaisdaang pumapalibot sa maliit na baryong iyon. Binaybay ang mga makikitid na pilapil. Minsan na ring nalubog ako sa hanggang tuhod na putik nang biglang napatapak ako sa isang malambot na pilapil. Nanguha rin kami ng mga lawe lawe na sya naming ipinapain sa pamamansing ng isda. Ewan ko ngunit hindi ako nandidiring hawakan ang mga bulateng iyon ng mga panahong iyon. Sa baryong iyon ko rin natutunan ang gumawa ng asin - mula sa pagpapatuyo ng palaisdaan, paglalatag ng mga tisa sa mga kwadra kwadradong pinatag na lupa, pagwawalis ng mga tisa, pagpapatubig sa mga tisang ito ng tubig dagat, pagkayod ng namuong asin sa mga tisa, paglalagay sa tiklis ng mga nakuhang asin at pag-iimbak ng mga ito sa kamalig. Inaabangan ko rin ang pagdaong ng gremarine at kasko na hahakot sa mga asin upang dalhin sa pamilihan.

Bagamat ito ang aking naging kabataan, di ko itinuturing na hindi ako naging masayang bata. Sa mura kong isipan, naging kasiyahan ko na ang mga bagay na sa tingin ng iba ay walang saysay. Sino bang bata ang maaaliw sa pagbibilang ng mga higad? Sinong bata ang kasiyahan na ang maglakad sa mga makikitid na pilapil sa ilalim ng nakasusunog na araw? Marahil, tila sa isang sanggol, naliligayan na ako sa mga bagay na aking nakikita. Hindi na mahalaga ang pamdama, amoy, lasa at tunog.

Gayunpaman, isang malungkot ang makita ang paglubog ng araw sa Late. Sa mga mahilig sa sunset, marahil ay napakagandang tanawin nito. Hindi ko alam, pero sa tuwing lumulubog ang araw sa Late ay nalulungkot ako. Siguro senyales na rin ito ng pagtatapos ng araw. Nakalipas ang maghapon ng walang pagbabago. Naroon pa rin ang mga higad, ang mga naipong water lily sa pagitan ng mga bakawan.

Linisan ko ang lugar na iyon ng magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil mawawalay ako sa lugar na nagmulat sa kin sa simpleng buhay. Masaya dahil may kutitap ang mga ilaw na pangako ng Maynila.

Lumipas ang panahon, napadako ako sa iba't ibang lugar at muli akong inihatid ng mga paa ko sa Late. Ibang iba na sya. May kuryente na, ang ilang mga bahay ay may refrigarator, TV, karaoke, dvd at component ngunit wala na ang asinan. Ang mga sanga ng nauubos ng mga api api at bakawan ay wala ng mga higad, napalitan na ng mga langaw. Ang mga mumunting tsinelas na inaanod nuon ay di na ganun karami, mas marami na ang mga bag bag ng basurang galing pa sa mga ilang lugar sa Maynila. At sa di kalayuan, tanaw mo ang crane na tila isang malaking halimaw na humahakot ng mga basurang itinatambak doon. Wala na ang kaskong ginagamit sa paghakot ng asin bagkus, malalaking barge na lulan ang basura ng mga karatig bayan ang syang pabalibalik sa kahabaan ng ilog na iyon.

Muli akong inabutan ng dapithapon sa Late. At tulad ng mga nakaraang pagkakataon, nalulungkot kong minasdan ang paglubog ng araw, wari ko'y kasabay nitong inililibing ang baryong minsan ko ring naging tahanan.

15.6.07

Fruit of Boredom

It's a very hot day. Too hot to enjoy summer. My day is restless. I feel bored. Maybe I need to do something. I read some of my favorite books. I know, I read them a couple of times before. But it doesn't matter. I still find my idols' works as amusing as the first time i read them.
While watching ASAP, I scan the pages of Jessica Zafra's Twisted 5 and Twisted 6. I like Jessica Zafra's writings. I find her works amazing and amusing at the same time. Her looks alone is enough to bring in me a sense of nostalgia. Her vintage looking eyeglasses make me remember my mom's picture while attending a "pasayaw" in a town fiesta sometime in the 1960's. I can also relate much on her not-so-pointed nose. Her looks makes me think I belong to the top 30% of this world's population when it comes to cuteness. Going back to her works, I like the way she cannibalizes herself for her own consumption. The way she recounted her experiences makes me feel she lives a very colorful life or makes it appear so. She makes the experience of being frisk by security guards of Glorietta or Megamall appear bigger than a mere security issue. It is more of a social isse and a person's concept of aesthetics. I one of her articles, she says that she is a "usual suspect" when she goes to malls, her bag is always closely examined like a laboratory specimen hoping to find explosive or a detailed plan of a terrorist attack - and this simply because of her looks. Fortunately, unlike her, I enjoy the luxury of entering malls with less scrutiny, and without being frisked at times. Well, not because I look extremely godly gorgeous but because, as one of my colleague once said, "Marlon looks decent and always smells good." And if you don't really know me well, you will find me shy, timid and boring. But I beg to disagree. I'm capable of plotting a coup and perhaps dominating the world. Ok, enough of me and Jessica Zafra - you might think she's my love interest.
By now, ASAP is over and I'm watching Your Song with Nikki Gil and Zanjoe Marudo. Call me nuts but I watch these stuff especially when I feel lazy, when I don't want to think much. THese are the shows that you already know the ending just by listening to the background music. And ok, I'll be honest, I have this what they call "pangmasa" taste. That's what I like about Bob Ong's works - comical, satirical, true - patok na patok. Some of the books of Bob Ong are what I considered as my precious collection of literary works. His works are easy to ingest, easy to digest and therefore have greater impact. Some of my frieds who read my works say that I write like him. But I refuse. I am not a clone of anyone. I wrote my first satirical essay in high school, around 1994 and my first published comic story was in 1999 under the name of teh "infamous" Paquito Paquiao (Pac Pac for short). At these times, I had not read any of his works nor heard his name in my dreams yet. Is he my clone then? I won't accept that. I'm younger, fresher, and conceited at times. But I'm not a narcissist.
The sun is about to rest. The heat is no longer as intensed as it was when I starting this article. I think this is done. I don't feel bored anymore. Killing time isn't really that bad afterall.

On News and Papers

I like reading newspapers - broadsheets and tabloids alike. I read Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila TImes, Today, Manila Bulletin, Manila Standard, Tempo, Ngayon, PM, Bulgar, Taliba, People's Journal, among others. The primary purpose of me ready newspapers is not to be informed but to be entertained. Don't get me wrong. Don't think that I go straight to the entertainment section of the newspaper. There's no need for movie stars like Kris Aquino and Ruffa Gutierrez to grace the front page (or headline) of a broadsheet of national circulation to be "entertained." Philippine politics in itself is a soap material; the growing economy as claimed by the government, a fantaserye; and the Filipino life, a reality game show much like the Survivor. That's why I like PDI. News are presented in a bit sensational way. Like a soap opera, it makes you crave for more "what's next?" scenes; and like a showbiz talk show, the President's wardrobe is of national concern. Unlike PDI, Manila Bulletin presents news as they are. Like a history book, it tells you the what's, who's, when's, why's and how's of the story with less drama. MB's headlines are of less interest, at least based on my standard. MB sounds more like a Malacanang's spokesperson and to be me, blunt. Thanks to its 100-or-more pages of classified ads during Sundays, it's still the unemployed's newspaper.
When I was in college, I attended a journalism seminar in UST. We were told that news should be presented as they are, not sensationalized. But with the kind of news (often disappointing) we get from the papers on a daily basis, the readers might as well be informed and entertained at the same time.