Minsan, isang mainit na tanghali, nakatanggap ako ng isang text message mula sa isang kaibigan. Sabi sa text, "8 Tips Para Maiba Naman ang Araw Mo". Kalakip ang labis na kasabikang basahin ang text, hindi magkandatuto ang aking mga daliri sa pagpindot ng downward scroll ng aking free cellphone mula sa Globe (to my Globe family, thank you pow!). Going back, tunay akong naaliw sa aking nabasa. Para akong matandang artista na bagong facelift dahil hindi mabakbak ang mga ngiting namumutawi sa aking mga labi. Heto na
1. Sampalin ang unang taong makakasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog ngunit labanan ito. Mag exercise.
3. Manood ng TV ng nakapikit.
4. Himatayin kunwari sa daan. Tiyaking may tao.
5. Magpakulo ng tubig at paypayan ito para lumamig.
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos ay unahan mong umiyak.
7. Makipagtitigan sa isda. Huwag tumigil hangga't hindi ito kumukurap.
8. Ibuhos ang 3in1 na kape at saka paghiwahiwalayin ang kape, creamer at asukal.
As usual, I was inspired by these suggestions kaya nakaisip ako ng sarili kong version. Hindi man ako masyadong nasiyahan sa gawa ko, gusto ko pa rin syang ibahagi sa inyong lahat.
1. Awayin ang sarili habang nakaharap sa salamin. Mag-sorry pagkatapos.
2. Pagkatapos mong paghiwahiwalayin ang kape, creamer at asukal ng 3in1 coffee mo, ilagay sa isang tasa, lagyan ng mainit na tubig at saka haluin.
3. Galitin ang aso ng kapitbahay hanggang tumahol ito ng walang humpay. Awayin ang kapitbahay at sabihing masyadong maingay ang aso nila.
4. Bigyan ng pangalan ang bawat bahagi ng katawan mo. Pagkatapos, ipakilala ang mga ito sa isa't isa. Gawin ito sa pampublikong lugar gaya ng Megamall.
5. Magsakitsakitan at magpa-confine sa hospital. Gamitin ang Intelicare card. Libre na ang pagkain, naka aircon ka pa.
6. Imbitahin ang lahat ng kaibigan at kakilala sa isang house party mamayang gabi. Pagkatapos, mag-out of town bago magsimula ang party at patayin ang cellphone.
7. Kumain ng ampalaya at magreklamo na mapait ito.
8. Umutot ng tahimik sa isang pampublikong lugar at tingnan ng masama ang katabi.
Saamat sa walang sawang pagtangkilik!
MARLON QUINTOS
stimulate your mind...
come and enter my world...
MARLON QUINTOS
come and enter my world...
MARLON QUINTOS
26.9.10
Minsan Isang Summer
Umpisa pa lang ng taon, pinaghahandaan ko na ang summer. Nagpursige talaga akong magpaganda ng muscle tone. Ang pangarap ko kase ay magkaroon ng six-pack abs bago sumapit ang tag-araw. Ngunit mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko nga namamalayan, matatapos na ang summer, malapit na ang Mayo, tag-ulan na naman. Kaninang umaga, tinitingnan ko yung tiyan ko – nasa three packs pa lang makalipas ang apat na buwan – dalawang muscle sa itaas at isang mabilog na tyan. Kapos pa ng three packs.
Sa loob ng apat na buwan, pakiramdam ko ay isa akong super athlete. Madalas kong nilalakad ang kalsada mula opisina hanggang condo kahit sa gitna ng umaapoy na araw. Araw-araw akong panik-panaog sa hagdan habang ina-update ko ang scoreboard sa opisina. Minsan ko na ring tinangkang akyatin ang ika-22 palapag ng gusaling aming tinitirahan sa pammagitan ng hagdan. Hindi lang yun, tuwing Miyerkules, ilang foot bridge na kulay pink periwinkle ang aking binubuno. Isa sa harap ng EDSA Central Mall at isa sa harap ng Baclaran Church.
At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, umoorder ako ng dalawang kanin every meal.

Reversed Evolution...
Minsan ako ay napatingin sa salamin. Pilit kong pinagmasdan ang aking mukha, braso, binti at dibdib sa harap ng salamin. Totoo yata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. Napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 25 years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. Pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy. Wag ka nang umangal, late bloomer talaga ako. Bente singko na ako tinubuan ng mga wanted at unwanted hairs. Nung bente pa lang ako, sing kinis pa ng murang labanos ang aking mga hita at binti.
As I was saying, lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa ilong. Pinakakinaiinisan ko yung buhok sa ilong, bukod kasi sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay abo at puti pa kung minsan - stand out galore.
Lately, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa pisngi. Malamang hindi ako galing sa unggoy, hmmm.. baka sa tigre o kaya leon. Pero ayokong maging pusa, may kilala kase akong mamamatay pusa.

19.9.10
Usapang Hotdog
Noong Martes, napagawi ako sa Jollibee. Para sa mga banyagang walang muwang kung sino si Jollibee - sya yung matabang bubuyog na nagpataob kay Ronald McDonalds on this side of the world. Sana rin ay marunong ang mga banyagang ito na umunawa ng Tagalog upang magkasilbi ang aking effort na magpaliwanag.
Nakangiti kong pinagmasdan ang menu ng naturang kainan at napagtanto kong karamihan ng pagkain dun ay puro masasaya at maliligaya gaya na lang ng Chicken Joy (Manok Ligaya), Jolly Crispy Fries (Masayang Malutong na Pritong Patatas), Jolly Krunch Twirl (Masayang Malutong na Paikot-ikot) at Jolly Hotdog (Masayang Hotdog). Sa laht ng mga ito, tila walang kalaban ang Jolly Hotdog sa kakumpetensya ng Jollibee na McDonalds. Sabagay, Hindi naman magandang pakinggan ang McDonald's Hotdog. Wala ring appeal ang suggestion ni Mommy Joy na McDog. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba walang Hotdog sa McDo? Ito ang isang bagay na bumabagabag sa akin sa loob ng matagal na panahon (tatlong araw to be exact).
Noong Miyerkules, napagawi naman ako sa Tapa King na hindi lang naman tapa ang tinda kundi pati internet card at food supplements. Napansin ko rin na may tinda silang hotdog bagamat hindi kagaya ng sa Jollibee na naiipit sa tinapay, may kasama itong fried rice at fried egg. Ngunit ang pumukaw ng aking atensyon ay ang pangalan nito sa menu. Guess what? Dyaaaraaaannnn.... Hapi Hotdog!
Naisip ko lang, sadya bang masasaya ang hotdog? Sa takdang panahon, marahil ay mabibigyan ito ng liwanag.

Sanib... Kulam...
"It's so nakakaeser na. It's always traffic na lang, I swear!. Why ba do they keep on doing rally? Sa Makati pa. Like we need na nga dollars because our economy is bagsak and parang they scare away pa the investors. Tapos si GMA, di man lang sumagot sa mga accusations sa kanya. It's really magulo na here!"
Wari ko ba'y sinasaniban ng kaluluwa ng isang coƱong kolehiyala ang babaeng katapat ko sa upuan sa gawing likuran ng FX na patungong Mall of Asia. Kung tutuusin, kapag minasdan mo siya mula ulo hanggang paa, di mo aakalaing sa bibig niya lumalabas ang mga katagang iyon. Sa aking tantiya ay nasa late 30's na siya.
Muling umusad and FX. Muling nagsalita ang babae. Ganun pa rin ang litanya. Pakiramdam ko ay naglipana ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na Assumptionista sa loob ng FX. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Mainit ang araw. Tumatagos sa loob ng FX. Maging ang aircon ng sasakyan ay di kayang pawiin ang init ng panahon.
Bigo ang aircon sa pagsugpo ng maalinsangang tanghali. Bigo rin ang babaeng kumbinsihin ang aking isip na isa siya sa mga mamamayang nagmamahal sa ating bayan. Hindi sapat ang aircon. Hindi sapat ang salita. Hindi rin sapat ang lamig na dulot ng mga ligaw na kaluluwa ng mga kolehiyala.
Abot tanaw ko na ang Mall of Asia. Tila ba ito ay isang malaking barko na nakadaong sa bahaging iyon ng Look ng Maynila. Doon, pansamantala kong nalimot ang init sa labas, at ang babaeng hindi maawat sa pagbato ng mga nakayayamot na litanya. Napukaw ng mga makukulay na ilaw ang aking ulirat, habang tila mga batang paslit ang aking mga daliri habang patalon-talon ang mga ito sa mga hanger ng nakasabit na mga t-shirt. Lumipas ang ilang oras, kailangan ko nang lisanin ang artipisyal na mundong aking naging pansamantalang kanlungan.
Mainit pa rin sa labas. Tila tinutusok ng karayom ang aking balat sa tama ng sinag ng araw. Kinawayan ko ang isang magarang taxi. Huminto ito sa aking tapat - Wallis Taxi. Sabi sa isang tabloid, mandarambong daw ang mga drayber ng taxing ito. Pero di ko na iyon ininda. Di ko na kaya ang init.
Gaya ng dati, traffic sa EDSA. Ang drayber naman ay libang na libang sa pakikinig sa isang programa sa AM radio. Ang paksa ng usapan ay ang pagkakadawit ng mga opisyal ng gobyerno sa ZTE deal. Ang mga tumatawag sa istasyon ay may kani-kaniyang mungkahi kung papaano mapaparusahan ang mga sangkot sa maanumalyang kasunduang ito. Tatlo sa mga tumawag ang nagmungkahi ng solusyong ni minsan ay di naisip gawin ng Senado o ng Ombudsman
"Kulamin na lang natin ang mga lintek na yan!"
Napag-isip-isip ko, "Bakit hindi?"
"How would you make kulam the First Gentleman and Chairman Abalos?"
Sa kabutihang palad, meron akong kopya ng librong "Mga Panibagong Kulam" na hiniram ko sa isang kaeskwela nuong college. Ang aklat ay tungkol sa mga praktikal na mahika. Naglalaman ito ng mga orasyong maaari mong gawin sa bahay gamit ang mga pangkaraniwang bagay na matatagpuan din sa loob ng iyong bahay tulad ng dyaryo, sabong panlaba, at cotton buds. Ngunit nakadidismayang wala sa aklat na ito ang hinahanap ko. Lahat ng kulam ay makatao. Malayo sa iniisip kong kulam gaya ng "Paano paluwain ang mata ng kinaiinisan" o di naman kaya ay "Paano palubugin sa leeg ang ulo ng isang taong makasalanan." Ang pnakamalapit na dito ay ang may titulong "Para ihatid ang nasasaloob sa taong kinayayamutan."
Kailangan ko ng isang salamin, dilaw na kandila, puting sobre at platito. Ayos sa libro, kailangan ko raw gumawa ng isang altar. Maaring payak lamang o magarbo. Ginamit ko ang ibabaw ng kahong pnaglagyan ng 29" JVC Flat-Screen TV. Tinakpan ko iyon ng pulang tela. At ayon na rin sa aklat, kailangang lagyan ng "principal" o sentro ng altar at mga bagay na kumakatawan sa hangin, lupa, apoy at tubig.
"Ilagay ang salamin sa ibabaw ng altar. Buksan ang puting sobre at ikalat ang puting asukal dito. Tapos ay pagulungin ang dilaw na kandila sa puting asukal. Sindihan ang kandila at patayuin sa platito. Ilagay ang nakasinding kandila sa harap ng salamin. Ipikit ang mga mata at payapain ang isip. Isipin ang taong nais hatiran ng mensahe. Idilat ang mga mata, isiping ang kandilang nasa iyong harapan ang taong kinayayamutan mo. Pakalmahin ang sarili. Masdan and repleksyon ng kandila sa salamin. Tapos ay sambitin ang mga katagang nais iparating sa taong iyon."
"P*&%^^$ nyo! Makunsensya kayo! Mga hayop! Walang puso!"
"Kung sa loob ng dalawampung minuto ay naging magalaw ang sindi ng kandila, ibig sabihin nito ay nakarating ang iyong mensahe sa kinauukulan at may nais din itong sabihin sa iyo. Kapag namatay ang sindi, message sending failed sabi nga ng Nokia cellphone."
Nakalipas ang dalawampung minuto, hinipan ko ang kandila. Pagod na ako sa kasinungalingan.

Late (La-te)
Matagal din akong tumira sa Late (read: latian). Kung tutuusin, di naman kalayuan ito sa Maynila. Isang sakay ng jeep mula sa Malabon tapos ay punduhan na ng mga bangkang patungo doon. Ayon sa mapa ng Obando, ang lugar daw na iyon ay tinatawag na Sapang Tukol. Nasa hanggahan nito ang mga kalapit na Barangay Calistro at San Rafael at sa di kalayuan ay ang isang islang kung tawagin ay Binuangan. Sa kabilang ibayo naman ang bayan ng Navotas.
Iba sa Late (hindi namin tinatawag na Sapang Tukol ang lugar na iyon dahil mas nakasanayan na naming tawagin iyon na Late). Bagamat tanaw mo na ang Maynila mula sa bubong ng mga bahay doon, masasabi mo pa ring malayo sa kabihasnan. Kailan lang nalagyan ng linya ng kuryente ang lugar na iyon. Dati nagkakailaw lang ang mga bahay sa pamamagitan ng Coleman, ito yung ilaw na may gasa, nilalagyan ng alkohol at saka binobomba. Ang iba naman ay sa gasera lamang nagkakailaw. Minsan, nanunuod din kami ng TV na gumagana sa tulong ng baterya ng sasakyan. Pero madalang lang yun. Magastos kase sa baterya. Ang plantsa naman ay di-uling pa.
Tumira ako doon ng mga isang taon. Siguro, limang taon pa lang ako ng panahon na yon. Ewan ko pero ng mga panahong iyon, nabuhay kami ng walang refrigerator, walang vhs, walang magagarang laruan. Libangan na namin ang maglaro sa tabing ilog, manuod ng mga nagtatalunang hipon at isda, manilo ng kokomo, mamintol ng alimango, maghintay ng mga kalabukab (ahas sa tubig) na lumabas sa kanilang mga lungga, mamansing ng tilapya, magbilang ng higad sa mga puno ng api-api at bakawan, tumawid sa magkabilang pampang ng makitid na ilog lulan ng maliit na bangkang di-sagwan o kaya ay sa isang bangkang ginawa mula sa mga styrofoam na isinilid sa lambat o sako, manguha ng talangka at mag-abang ng mga inanod na tsinelas at styrofoam sa ilog. Mula sa mga inanod na tsinelas na ito, gumagawa kami ng mga pamaringas sa lutuang di-kahoy. Minsan naman ginagawa naming mumunting bangka ang mga gomang tsinelas at styrofoam. Tapos ay paanurin muli sa ilog para umaliw naman sa ibang nag-aabang ng mga ligaw na nilikha.
Makailang ulit ko ring tinawid ang mga malalawak na palaisdaang pumapalibot sa maliit na baryong iyon. Binaybay ang mga makikitid na pilapil. Minsan na ring nalubog ako sa hanggang tuhod na putik nang biglang napatapak ako sa isang malambot na pilapil. Nanguha rin kami ng mga lawe lawe na sya naming ipinapain sa pamamansing ng isda. Ewan ko ngunit hindi ako nandidiring hawakan ang mga bulateng iyon ng mga panahong iyon. Sa baryong iyon ko rin natutunan ang gumawa ng asin - mula sa pagpapatuyo ng palaisdaan, paglalatag ng mga tisa sa mga kwadra kwadradong pinatag na lupa, pagwawalis ng mga tisa, pagpapatubig sa mga tisang ito ng tubig dagat, pagkayod ng namuong asin sa mga tisa, paglalagay sa tiklis ng mga nakuhang asin at pag-iimbak ng mga ito sa kamalig. Inaabangan ko rin ang pagdaong ng gremarine at kasko na hahakot sa mga asin upang dalhin sa pamilihan.
Bagamat ito ang aking naging kabataan, di ko itinuturing na hindi ako naging masayang bata. Sa mura kong isipan, naging kasiyahan ko na ang mga bagay na sa tingin ng iba ay walang saysay. Sino bang bata ang maaaliw sa pagbibilang ng mga higad? Sinong bata ang kasiyahan na ang maglakad sa mga makikitid na pilapil sa ilalim ng nakasusunog na araw? Marahil, tila sa isang sanggol, naliligayan na ako sa mga bagay na aking nakikita. Hindi na mahalaga ang pamdama, amoy, lasa at tunog.
Gayunpaman, isang malungkot ang makita ang paglubog ng araw sa Late. Sa mga mahilig sa sunset, marahil ay napakagandang tanawin nito. Hindi ko alam, pero sa tuwing lumulubog ang araw sa Late ay nalulungkot ako. Siguro senyales na rin ito ng pagtatapos ng araw. Nakalipas ang maghapon ng walang pagbabago. Naroon pa rin ang mga higad, ang mga naipong water lily sa pagitan ng mga bakawan.
Linisan ko ang lugar na iyon ng magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil mawawalay ako sa lugar na nagmulat sa kin sa simpleng buhay. Masaya dahil may kutitap ang mga ilaw na pangako ng Maynila.
Lumipas ang panahon, napadako ako sa iba't ibang lugar at muli akong inihatid ng mga paa ko sa Late. Ibang iba na sya. May kuryente na, ang ilang mga bahay ay may refrigarator, TV, karaoke, dvd at component ngunit wala na ang asinan. Ang mga sanga ng nauubos ng mga api api at bakawan ay wala ng mga higad, napalitan na ng mga langaw. Ang mga mumunting tsinelas na inaanod nuon ay di na ganun karami, mas marami na ang mga bag bag ng basurang galing pa sa mga ilang lugar sa Maynila. At sa di kalayuan, tanaw mo ang crane na tila isang malaking halimaw na humahakot ng mga basurang itinatambak doon. Wala na ang kaskong ginagamit sa paghakot ng asin bagkus, malalaking barge na lulan ang basura ng mga karatig bayan ang syang pabalibalik sa kahabaan ng ilog na iyon.
Muli akong inabutan ng dapithapon sa Late. At tulad ng mga nakaraang pagkakataon, nalulungkot kong minasdan ang paglubog ng araw, wari ko'y kasabay nitong inililibing ang baryong minsan ko ring naging tahanan.

Subscribe to:
Posts (Atom)